SA AKING PAGBABALIK by Ricky Sanchez Lyrics


Dahan-dahan ang aking paghakbang
Nagbalik muli sa tahanan
Ako kaya'y tanggapin
O, aking ama sa aking pagdating

Nagsisisi sa aking ginawa
Sinuway ko ang 'yong kagustuhan
Umalis ng bigla sinunod ang mundo
Hanggang maghirap ako

Chorus
Ama ako'y patawarin mo
Pagkat nagkamali ako
Ako'y gawing alipin mo
Yan ang dapat sa tulad ko
Ngunit ako'y niyakap mo
Pinadama ang patawad mo
Lumuha at sinabi pang
Mahal mo pa rin ako

Ang aking akala sa'king pagbabalik
Masasalubong ang 'yong galit
Ngunit ang nanaig
Sa iyong damdamin ay iyong Pag-ibig

Mamahaling damit, makinang na singsing
Agad ibinihis mo sa akin
Marangyang naghanda
Nagsaya dahil sa ako ay nagbalik muli

Repeat Chorus

Bridge
Kahit na kay bigat, ng aking kasalanan
Ay higit ang iyong Pag-ibig at Kapatawaran

O Diyos, Ako'y Patawarin mo
Sa kasalanan ko sayo
Ngayon ako'y alipin mo
Yan ang dapat sa tulad ko
Ngunit ako'y niyakap mo
Pinadama ang patawad mo
Lumuha at sinabi pang
Anak mo pa rin ako