KAISANG- PUSO LYRICS

I
Magmula pa noon ay ikaw na nga
Ay minimithi ng bawat gunita
Laging sasambitin, sa bawat dalangin
O Diyos, siya nga kaya para sa akin

II
Magmula noon kay Hesus na nga
Inialay ang nagbungang pagsinta
Maging ang pangarap, nawa'y maging ganap
Magkasama hanggang siya'y makaharap


KORO:
Harapin natin ang bukang liwayway
Ginintuang pangako ay tinataglay
Nang ating bukas, Nang ating buhay
Kaisang puso ang dakilang patnubay

III
Magmula ngayon ay italaga
Sa pag-ibig man ay paghariin siya
Laging isangguni, sa bawat sandali
Kay Hesus tayo umasa ng lagi