Minsan ang buhay ay di makayanan
Puno ng hirap at kalungkutan
Mga pangarap ay nagiging kabiguan
Walang malapitan at walang mapuntahan
Di ko na kayang lumabang nag-iisa
At damdaming tuluyang naghihirap
Problema'y di ko na kayang lutasin
At di ko alam ang gagawin
Chorus
Panginoon ako'y iyong tulungan
Bigyan ng lakas upang ako'y lumaban
Iyong gabayan upang ako'y tumapang
Panginoon ikaw ang kailangan
Pag-ibig mo Oh Diyos ang nagbibigay ng sigla
Sa puso kong nagdurusa
Ang iyong salita ang nagbibigay pag-asa
Sa tulad kong nanghihina
Repeat Chorus
Instrumental
Repeat Chorus